Saturday, August 2, 2014

Ang Mga Sinaunang Kabihasnan



ANG KABIHASNANG MESOPOTAMIA 
Matatagpuan ito sa rehyon ng Fertile Crescent
Ang salitang Mesopotamia ay nagmula sa mga salitang Greek na meso na ang ibig sabihin ay “pagitan” at potamos o “ilog”.
Nangngahulugang lupain sa dalawang ilog. Dalawang ilog ang dumadaloy rito: ang mga Ilog Tigris at Euphrates na parehong nagmula sa kabundukan ngArmenia at tumatagos sa Golpo ng Persia.
Ang Ilog Tigris at Euphrates ay nagiiwan ng matabang lupa na ginagamit naman sa pagsasaka. At nagsisilbi din silang daanan ng mga kalakal na patungong Golpo mula sa dagat Mediterranean.
Sa Mesopotamia nahubog ang apat na kabihasnan: ang Sumer, Babylonia, Akkad, at Assyria
Ang Mga Sumerians 
 3000 - 2340 B.C.E. 
Ang Katimugang Mesopotamia ay tinawag na Sumer. Ang mga pamayanang malapit sa ilog ay bumuo ng 12lungsod-estado na pinamumunuan ng isng lugal o hari.
Matatagpuan sa bawat lungsod estado ang mga templong tinatawag na ziggurat.
Ito ay nagsisilbing tahanan at templo ng patron o diyos ng isang lungsod. Ito ay sagradong lugar kung kaya’t tanging mga pari lamang ang maaring pumasok dito.


                                            Ang mga Babylonians 
1792 - 1595 B.C.E. 
Ang lungsod ng Babylon ay nagsimulang lumakas na humantong sa pagsakop ng Mesopotamia at paghahari ni Hammurabi mula 1792 hanggang 1750 B.C.E.
Ang Babylon ang naging kabisera ng Imperyong Babylonia.

Ang katipunan ng nga batas ni Hammurabi, na mas kilala bilang Code of Hammurabi o Batas ni Hammurabi, ay isa sa pinakamahalagang ambag ng mga sinaunang tao sa kabihasnan.
1595 B.C.E- sinalakay ng mga Hittite mula sa Anatolia ang Babylon. Matagumpay sila at nakuha nila ang estatwa ni Marduk, ang patron ng Babylon.
Pinaniniwalaang ang mga Kassite na naghari sa Babylon at ang kaharian ng Hurrian sa Mittani sa hilaga ang namayani sa Mesopotamia.
Ang mga Kassite at Hurrian ay mula sa mga tala ng New Kingdom sa Egypt at Hittite sa kanluran.
Ang mga Hittite ay orihinal na nagmula sa hilagang-silangang bahagi ngBlack Sea.
                                             Ang mga Assyrians 
                                                                   1813 - 605 B.C.E. 
Ang Assyria ay matatagpuan sa bulubunduking rehiyong nasa hilaga ngBabylonia
Ang rehiyong ito ay nagmula sa sa Tigris at umaabot hanggang sa mataas na kabundukan ng Armenia.
Shamshi-Addad I (1813B.C.E.-1781B.C.E.)- napasakamay niya ang Ashur ang unang kabisera ng Assyria.
                          Ang mga Chaldeans 
                                                           612 - 539 B.C.E. 
Ang Chaldean ay mtatagpuan sa katimugang bahagi ng Babylonia at kanang pampang ng Euphrates River.
612 B.C.E- Panibagong imperyo ng Babylonia ang tinatag at pinamunuan ito ng isang hari mula sa Chaldean si Nabopolassar (612 .BC.E – 605 B.C.E)
625 B.C.E – Pinamunuan niya ang isang pag-aalsa laban sa imperyo ng Assyrian na siyang kumontrol sa Babylon sa loob ng halos dalawang siglo.
627 B.C.E- dalawangpung taon matapos ang pagkamatay ni Ashurbanipal , angAssyria ay muling nasadlak sa tunggalian at pagkawasak.
614 B.C.E. – isang hukbo sa ilalim ni Cyaxares ng Medes ang sumalakay sa lupain ng Assyria at winasak ang lungsod ng Ashur
621 B.C.E. – Nasakop ng magkatuwang pwersa ni Cyaxares at Nobopolassar, ang hari ng Babylon, ang lungsod ng Niniveh.
609 B.C.E. –tuluyang pinuksa ang natitirang hukbo ng Assyrian sa ilalim ni Nebuchadnezzar II anak ni Nobopolassar.
610 B.C.E. – 605 B.C.E. – Nakipagtunggali si Nobopolassar sa Egypt.

Kabihasnan sa Egypt

7000BCE- nagsimulang nagkaroon ng pamayanan sa tabi ng ilog Nile.
-natutunan nila ang pagtatanim sa mainam na lupain at pag aalaga ng mga hayop tulag ng baka,kambing at tupa
3200BCE- ang pamayanan ay nagkaisa at nakapagtatag ng dalawang kaharian:
a. Mababang Egypt- nasa hilagang bahagi ng Nile river, ang kanilang hari ay may kulay pulang korona.
b.Mataas na Egypt- nasa timog na bahagi ng Nile river
3100BCE- napag-isa ang 2 kaharian ng masakop ni Menes hari ng mataas na Egypt ang katunggaling kaharian.
Memphis- ang naging kabisera ng pinag-isang kaharian, dito rin nagsimula ang unang dinastiya sa Egypt na umaot sa 31.
Pharaoh (paraon)- tawag sa mga pinunong Egyptian na ang ibig sabihin ay dakilang tirahan, na nang lumaon ay itinuring na mga diyos na nasa pisikal na anyo ng tao.
 ng ekonomiya at kalakalan

Lumang Kaharian 
-Tinawag itong panahon ng pyramid. Sa panahong ito nagsimula ang pagtatayo
ng mga piramide sa Ehipto na nagsilbing libingan ng mga paraon.
Pyramid- isang malaking gusali na nagsilbing libingan ng mga paraon, mahigit 80 ang nagawang pyramid sa panahon ng lumang kaharian.
Mga namuno.
 Gitnang Kaharian
 Panahong ito hindi ganap ang kapangyarihan ng mga pharaoh.
Thebes- bilang kabisera ng Egypt.
-sa panahong ito hindi na inililibing ang mga paraon sa pyramid kundi inilalakad ang kanilang mga labi sa lugar na tinatawag valley of king.
-pinamunuan ng 14 na paraon na ang mga pinakamahalaga ay ang sumusunod:
Bagong Kaharian 
-Itinuturing na Panahon ng Imperyo dahil dito nagsimula ang pananakop ng mga
sinaunang Ehipsyano. Pinamunuan ng 33 paraon na ang mga may mahalagang
ambag ay ang sumusunod:
Kabihasnan sa India
Hindi maipagkakaila na lunduyan ang Asia ng mga sinaunang kabihasnan. Tulad ng iba pang sinaunang kabihasnan, sumibol ang kabihasnang ito sa mga ilog-lambak ng Indus na nasa hilagang-kanlurang bahagi ng Pakistan ngayon . Umunlad ang kabihasnang ito at tinawag na mga lungsod ng Mohenjo-Daro at Harappa.
MOHENJO-DARO

       
 Zhou o Chou (112 B.C.E. – 221 B.C.E.).
· Naipasa sa dinastiyang Zhou ang “Basbas ng Langit” at ang titulo na “Anak ng Langit”.
· Naimbento ang bakal na araro.
 · Ipinagawa ang mga irigasyon at dike laban sa pagbaha ng Huang Ho.
· Nagpagawa ng mga kalsada at sumulong ang kalakalan.
· Naimbento ang sandatang crossbow at bumuo ng hukbong nakakabayo at gumamit ng chariot.
· Dahil malawak ang teritoryo ang Zhou, humina ang control nito sa mga nasasakupang estadong lungsod.
· Nauwi ito sa panahon ng digmaan ng mga estado owarring states.
· Lumitaw ang pilosopiyang Confucianism at Taoism.
· Si Confucius ang naghain ng solusyon sa kaguluhan ng lipunan.
                                                         
 Mga Sinaunang Kabihasnan sa Asya

Nang lumaon, may apat na batayang kapaligiran sa Asya na hinanap ng tao. Ito ang kapaligirang lambak-ilog, disyerto, at steppe o damuhan. Natuto ang mga tao sa kapuluan na magtanim ng halamang ugat at palay. Naging bihasa rin sila sa paglalayag at pangingisda. Samantala, ang mga pamayanansa lambak-ilog ay natutong magtanim ng trigo, barley at palay. May nag-aalaga rin ng hayop sa lambak-ilog tulad ng tupa, kambing, at baka. Sa kabilang banda, pag-aalaga ng hayop tulad ng kabayo, tupa, camel, at ox ang naging kabayuhan sa disyerto at steppe. May kaunting pagtatanim din tulad ng dates sa mga oasis sa disyerto.
 
 
Tatalakayin sa blog na ito ang nabuong agrikultural na pamumuhay sa mga lambak-ilog, sa Asya - ang Tigris-Euphrates sa Kanlurang Asya, Indus sa Timog Asya, at ang Huang Ho sa Silangang Asya. Ilalarawan sa blog na ito ang mga kabihasnang Sumer, Indus at Shang. Ipapakita rin ang pamahalaan at lipunan na nabuo sa tatlong kabihasnan at kikilalanin ang mga natamo ng mga ito.
 
 
Kabihasnan
 
  • nagsimula sa salitang ugat na "bihasa"
  • pamumuhay na nakagawian at pinipino ng isang pangkat ng tao.

 
 
Kabihasnang Sumer
(3500-3000 B.C.E.)

Fertile Crescent

- isang arko ng matabang lupa sa Kanlurang Asya mula sa Persian Gulf hanggang sa dalampasigan ng Mediterranean Sea.

- Ang mga lambak-ilog ng Tigris at Euphrates ay kilala sa pangalangMesopotamia na nangangahulugang " lupain sa pagitan ng dalawang ilog".

-Ang Mesopotamia ay naging tagpuan ng iba't ibang grupo ng tao na naghahanap ng matabang lupa.
 
*Sistemang Panrelihiyon*
 
- ang mga Ziggurat o templo ay tahanan ng mga diyos ng mga Sumerian
 
- natuto ang mga Artisano na ihubog ang luwad na galing sa ilog upang maging iadrilyo
 
- ayon sa mga matandang paniniwalang Sumerian, ang mga kabundukan ay siyang sentro ng kapangyarihang supernatural sa mundo
 
- ang bawat baitang ng Ziggurat ay pinag-uugnay ng mga hagdan
 
- Pagsapit sa tuktok, matatagpuan ang isang dambana na alay sa diyos na kanilang sinasamba

 
 
                           *Sistemang Panlipunan*
 
 
- Nasa tuktok ng lipunan ang mga pinunong pulitikal at ispiritwal
 
- kasama sa naghaharing uri ang matataas na opisyal at kanilang pamilya. kasunod ang mga mangangalakal,artisano,scribe,at mababang opisyal.
 
 
 
*Kontribusyon ng Sumer sa Kabihasnang Pandaigdig*
 
-isa sa mga pinakamahalagang ambag ang sistema ng pagsula ayCuneiform. dahil nito, naitala na nila ang batas,epiko,dasal,at kontrata ng negosyo.


-ang mga scribe o tagasulat ay umuukit sa isang basang Clay tablet. Nagtataglay ng kumpletong petsa at lungsod kung saan ito nagmula.
 -ang pinakaunang epiko sa daigdig ay Sumerian-ang epiko ni Gilgamesh


 
                        *Sistema ng Pagsusulat*
 
 
-unang gumamit ng sistema ng pagsulat ng Indus.
 
-ang mga ebidensya na pagsulat ay mga selyo na may Pictogram upang kilalanin ang mga paninda. Natuklasan ito sa Mesopotamia.

 

Kabihasnan sa Sinaunang Amerika: Maya, Aztec, at Inca









Ang sibilisasyong Maya:
   Ang kabihasnang Maya ay namuhay noong 2000 BCE. Sa pagdaan ng mga taon, sila ay naging mga matagumpay na magsasaka at gumawa ng mga dakilang lungsod mula sa mga bato na may kahanga-hangang istilo.
Karamihan sa mga Maya ay mga magsasaka na naninirahan sa mga kubo sa mga kabundukan at nagpupunta lamang sa mga lungsod kapag namimili at may pagdiriwang na panrelihiyon.



Ang sibilisasyong Mayan ay nahahati sa tatlong panahon:
1) Preclassic- 1800 B.C.
- simula ng pagpapatayo ng stepped pyramids
- pottery at fired clay figurines
2) Classic (c. 250-900)
- umusbong ang konseptong urbanismo
- lungsod-estado
- Cancuen- isang malaking lungsod sa sibilisasyong Maya kung saan makikita ang mga malalaki at magagandang palasyo at pyramid


ANG SIBILISASYON NG AZTEC:
Ang Aztec ang pinakamarahas na kabihasnan dahil sila ay nag-aalay ng buhay na tao para sa kanilang Diyos.


ANG SIBILISASYON NG INCA:
Ang inca ang isa sa mga may sinaunang kabihasnan sa latin amerika.  matatagpuan ang kanilang imperyo sa timog na bahagi ng bundok ng andes sa pinakahilagang hangganan sa ecuador. naging kabisera nito ang cusco na sa kasalukuyan ay ang bansang peru.


                                   Kabihasnan sa Aprika
Tulad din ng mga tao sa iba’t ibang
panig ng mundo, may natatanging
sibilisasyong umusbong sa sinaunang Aprika.
Malaki ang naging impluwensya ng heograpiya sa naging pamumuhay ng mga tao
sa sinaunang Aprika. Ang mga tao ay natutong makibagay sa
pabago-bagong klima sa nararanasan. Kapag nagbago ang klima o lumaki ang populasyon sa lugar na kanilang tinitirhan sila ay humahanap ng panibagong lugar kung saan matutugunan nila ang kanilang pangangailangan. Pagsapit ng 1500 AD ang mga sibilisasyong ito ay nagkaroon na ng ugnayan sa mga tao sa Europa at Asya


                  
                       Kabihasnan sa Pasipiko
Melanesia nagmula sa salitang Griyego na melas na ibig sabihin ay maitim at nesos na ang kahulugan ay isla. Binubuo ito ng mga pulo ng New GuineaNew CaledoniaNew HebridesFijimga Pulo ng Solomon at iba pa. Kaya tinawag na melanesia ang mga isla rito dahil ang mga nakatira rito ay maiitim ang kulay ng balat. Ang pulo ng New Guinea ang pinakamalaking pulo sa Melanesia maging sa buong Oceania.